January 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Respect... please!' Tatay ni Alden, pumalag sa pagkalat ng pics sa lamay ng ama

'Respect... please!' Tatay ni Alden, pumalag sa pagkalat ng pics sa lamay ng ama
Photo courtesy: GMA Network

Nanawagan sa mga netizen si Richard Faulkerson, ama ni Kapuso star at tinaguriang "Asia's Multimedia Star" na si Alden Richards, na tanggalin sa kanilang social media accounts ang mga larawang kuha sa lamay ng pumanaw na lolo ng aktor na si Danny.

Ayon kay Richard, igalang sana ng mga netizen ang pribadong pagluluksa ng kanilang pamilya, at huwag daw sanang ikalat sa social media ang mga kuhang larawang walang permisong mai-post mula sa kanila.

Pinaliwanag din niya na hindi pumayag ang pamilya sa pagkuha at pagpapalabas ng mga naturang larawan sa publiko.

"Respect…please," saad pa ni Richard sa kaniyang X post.

Tsika at Intriga

Neil Arce, nagbigay ng update sa 'pagbabalik' socmed ni Angel Locsin