January 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Neil Arce, nagbigay ng update sa 'pagbabalik' socmed ni Angel Locsin

Neil Arce, nagbigay ng update sa 'pagbabalik' socmed ni Angel Locsin
Photo courtesy: Neil Arce (IG)/Angel Locsin (X)

Mula mismo sa mister ni Kapamilya star Angel Locsin na si Neil Arce ang impormasyong hindi pa nare-retrieve at naibabalik sa kaniyang misis ang full control sa kaniyang na-hack na X account kahapon ng Martes, Enero 14.

Buong akala ng mga tagahanga at tagasuporta ni Angel ay nagbabalik-social media na ang kanilang idolo batay sa mga naglabasang posts nito sa X account, matapos na tila mag-endorso ng isang investment.

Makikitang nagbahagi tungkol sa crypto investment ang verified X account ni Gel, at nilinaw pang nagbabalik na siya at siya talaga ang nag-post niyon.

"Today i seen this on all news and i participated and i'm so happyyyyy. I want to share with you guys . Anyone from crypto world need to see this," mababasa sa X post noong gabi ng Lunes, Enero 13, 2025.

Tsika at Intriga

'Respect... please!' Tatay ni Alden, pumalag sa pagkalat ng pics sa lamay ng ama

Sa isa pang post, pinagdiinan ng gumagamit ng account ni Angel na siya talaga iyon at hindi hacker.

"Hello guys , My post was not intended to make you think anything wrong about me. I found that giveaway online and joined as well. My account is not hacked, so stay chill. Love ya!"

"And i'm back on X!!!! :x," mababasa pa.

Ngunit nagbigay naman ng babala ang "Official Team Angel PH" X account na na-hack nga ang verified X account ni Angel, kaya huwag magpapaniwala ang mga netizen sa alinmang mababasa rito.

"ATTENTION: Please note that@143redangel, Angel Locsin’s account on X (formerly Twitter), has been hacked. Any replies or tweets from this account are not from Angel. Please be cautious," babala nila.

Sa isa pang post ay inulit nila ang warning at sinabing ginagawan na raw ng paraan ng aktres na maibalik sa pagmamay-ari niya ang X account.

MAKI-BALITA: Angel Locsin biglang nag-endorso ng 'crypto' sa X, tapos na socmed hiatus?

Pero tila nagbigay pa ng update ang hacker at sinabing siya na raw ang tunay na Angel Locsin.

"got my acc back! thank you for massive sharing! love," mababasa sa X post.

Ibinahagi naman ni Neil ang screenshot nito sa kaniyang Instagram story at nilagyan ng text caption.

"Account not yet recovered. We will be the one to inform everyone if we got it back already," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Neil Arce (IG)

Pero bandang 7:56 ng gabi ngayong Miyerkules, Enero 15, niretweet ni Neil ang X post ng misis na narecover na niya ang kaniyang account.

"Mahal ko, paki confirm @neil_arce," tweet ni Angel.

"account recovered," kumpirmasyon ni Neil.

Photo courtesy: Screenshot from Neil Arce, Angel Locsin (X)