January 15, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mariel 'best thing that ever happened to Robin,' sey ni BB Gandanghari

Mariel 'best thing that ever happened to Robin,' sey ni BB Gandanghari
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Mariel Rodriguez (FB)

Ibinahagi ni BB Gandanghari ang kaniyang pananaw sa in-law niyang Mariel Rodriguez, misis ng utol niyang si Senador Robin Padilla.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Enero 14, sinabi ni BB na si Mariel daw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ng kaniyang kapatid.

“I think, with all due respect sa mga nakarelasyon ni Robin, she’s the best thing that ever happened to Robin as far as ‘yong relationship is concerned,” saad ni BB.

Dagdag pa niya, “Very swak silang dalawa. She’s also very loving.”

Relasyon at Hiwalayan

'Lahat kakayanin!' Ruru, 'di naniniwala sa '7-year itch'

Matatandaang lampas isang dekada nang nagsasama ang dalawa ngunit sa isang panayam ay sinabi ni Mariel na bagama’t mahirap paniwalaan, magaan daw ang buhay niya sa piling ni Robin.

MAKI-BALITA: Mariel, magaan ang married life dahil kay Robin