May apela si "It's Showtime" host Karylle sa mga kandidato sa darating na midterm elections sa Mayo 2025.
Aniya sa panayam sa kaniya ng isang radio show, mas nais daw niyang marinig ang pakikipagdebate ng mga kandidato tungkol sa mahahalagang isyu sa bansa kaysa marinig ang mga jingle nila o mapanood ang kanilang TikTok dance.
“We have to demand it as voters, as people… It is our job as voters to be more noisy about. Right namin ‘to, right namin na mapanood kayo,” aniya.
“Gusto naming marinig more than your jingle, more than your TikTok dance, what you are about. We want to know. We have to demand this. This is our right,” dagdag pa.
“Saan natin sila maririnig kung hindi sila pumupunta sa mga debate?” hirit pa ni Karylle.