January 15, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kahit 12 taon nang magkarelasyon: EA, 'di pa rin 'ginagalaw' si Shaira

Kahit 12 taon nang magkarelasyon: EA, 'di pa rin 'ginagalaw' si Shaira
Photo Courtesy: Shaira Diaz (FB)

Patuloy na sinusunod ng Kapuso celebrity couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz ang celibacy kahit 12 taon na silang magkarelasyon at malapit nang ikasal.

MAKI-BALITA: EA Guzman, Shaira Diaz pinaghahandaan na ang kasal

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, Enero 14, nilinaw ni Shaira na hindi raw niya iniyayabang ang tungkol sa mahigpit nilang kasunduan sa hindi pagtatalik. 

“May mga gano’n talaga. At siguro, alam mo, hindi naman talaga... unexpected actually ‘yong story na ‘yon. Hindi naman para i-brag ko siya. So, just to be clear once and for all, hindi naman para i-brag ko talaga,” saad ni Shaira.

Relasyon at Hiwalayan

Mariel 'best thing that ever happened to Robin,' sey ni BB Gandanghari

Gayunman, masaya raw si Shaira dahil nagiging magandang halimbawa sila ni EA  para sa ibang kabataan.

Aniya, “Happy na lang ako na maraming parents na natuwa, mga bata na parang, yon nga, naging role model ako para sa kanila. Parang wini-wish nila sa anak nila, na ganun din yung ma-instill nila. So, yun lang."

Kaya naman wala na raw magagawa pa ang aktres sa mga ayaw maniwalang hindi nila sinubukan ng kaniyang fiance na magtalik kahit minsan.

Matatandaang sa ilang panayam ng celebrity couple noong 2024 ay napag-usapan ang tungkol sa pagtupad nila sa hindi muna pagtatalik bago ang kasal.

Inamin pa nga ni EA na dumating daw sa punto na tila nahirapan na siyang tiisin na walang nangyayari sa kanila dalawa ng kaniyang fiancee.

Pero napagtagumpayan pa rin naman ng aktor na malabanan ang naramdamang bugso ng damdamin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya “nagagalaw” si Shaira.

MAKI-BALITA: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, ‘di pa rin isinusuko ang ‘bataan’