Tila naayos na ang usap-usapang gusot hinggil sa pelikula ng magka-loveteam na sina Kim Chiu at Paulo Avelino o kilala rin sa tawag na “KimPau”
Matatandaang nag-trending kamakailan sa X (dating Twitter) ang Star Cinema at KimPau dahil naantala umano ang pagpapalabas sa “My Love Will Make You Disappear.”
MAKI-BALITA: KimPau, Star Cinema trending sa X; bakit kaya?
Lalong lumakas ang espekulasyon ng mga netizen na nagkaroon ng isyu ang magka-loveteam sa nasabing movie outfit nang magbahagi si Paulo ng cryptic post sa X.
MAKI-BALITA: Cryptic post ni Paulo Avelino, pinag-usapan; patutsada sa Star Cinema?
Pero sa Instagram stories ni Kim noong Lunes, Enero 13, makikita ang serye ng mga larawan na kasama nila ni Paulo ang Star Cinema family.
“Look who welcomed us inside the tent at 5 a.m. Star Cinema fam in da haws. Good morning,” saad ni Kim sa text caption.
Dagdag pa niya sa isang IG Story, “See you in cinemas on March 26. Di na kami mag-disappear.”
Matatandaang sa inilabas na pahayag ng Star Cinema noong Sabado, Enero 11, ipinaliwanag nila kung bakit kinailangang ilipat mula Pebrero patungong Marso ang release month ng nasabing pelikula.
MAKI-BALITA: Star Cinema, nagsalita na sa pagkaantala ng pelikula ng KimPau