January 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Andrea nagpasalamat kay Lord dahil ginawa siyang maganda

Andrea nagpasalamat kay Lord dahil ginawa siyang maganda
Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Todo-pasalamat ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes dahil pinagkalooban daw siya ng Diyos ng magandang mukha, matapos ang panayam sa kaniya sa "ASAP."

Natanong kasi si Blythe kung paano ma-achieve ang isang magandang face.

Sagot ng aktres, mana lang daw talaga siya sa mga magulang niya.

Isa pa, siguro daw ay ibinigay ng Diyos ang isang magandang mukha sa kaniya dahil alam Niyang maraming pagsubok na pagdaraanan ang aktres.

Tsika at Intriga

Vic Sotto, may sagot tungkol sa kaniyang pinagdaraanan ngayon

"Ngayon lang ako hindi magiging humble. Siguro binigay sa 'kin ni Lord ‘yong ganitong mukha kasi marami akong pagdadaanan sa life. So sabi Niya, ‘At least gawin nating maganda ang babaeng ‘to’,” aniya.

Dagdag pa ni Andrea, “Kasi minsan, there’s always something to be grateful for and sometimes meron tayong challenges sa life na sobrang hirap lang mahanap kung ano ang dapat pagpasalamatan. I think everyone naman has been there, ‘di ba?

“Minsan nasa lowest lang talaga tayo tapos mahihirapan lang tayo magpasalamat, kahit nga huminga. Eh minsan ayaw mo na lang huminga, eh. Pero sabi ko talaga kay Lord, ‘Lord, alam Mo, thank You na lang din sa mukha ko po.'"

Kamakailan lamang ay natalbugan ni Andrea ang lahat ng mga artista sa Pilipinas matapos siyang hiranging top 1 na babaeng may pinakamagandang mukha, hindi lamang sa bansa, kundi sa iba pang mga bansa sa mundo, noong 2024.

MAKI-BALITA: Andrea tinalbugan lahat, may pinakamagandang mukha ngayong 2024