January 13, 2025

Home BALITA

Construction worker na naka-breaktime lang, patay matapos masapul ng natumbang puno sa ulo

Construction worker na naka-breaktime lang, patay matapos masapul ng natumbang puno sa ulo
Photo courtesy: Screenshots from COCPO via Balitanghali (GMA Integrated News)

Agad na namatay ang isang construction worker matapos daw masapul sa ulo ng isang natumbang malaking puno habang siya ay namamahinga, sa isang bayan sa Cagayan De Oro City.

Sa ulat ng Balitanghali ng GMA News nitong Lunes, Enero 13, lumalabas sa imbestigasyong habang nagpapahinga ang nabanggit na karpintero at kaniyang mga kasamahan dahil sa kanilang breaktime ay biglang bumigay ang isang malaking puno at tumama sa kaniyang ulo.

Agad siyang isinugod sa ospital subalit idineklara siyang dead on arrival.

Wala raw nakikitang foul play ang pulisya sa nangyari at ito ay dulot daw ng aksidente.

'Definitely!' Sen. Robin, bobotong 'No' sa impeachment ni VP Sara

Inako naman daw ng kompanyang pinaglilingkuran ng construction worker ang mga gastusin sa pagpapalibing at mga pangangailangan ng kaniyang mga naulila.