January 14, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Vic Sotto, pinadalhan daw ng script ng 'The Rapists of Pepsi Paloma'

Vic Sotto, pinadalhan daw ng script ng 'The Rapists of Pepsi Paloma'
Photo courtesy: Vic Sotto (FB)/Darryl Yap (FB)

Sinabi ng legal counsel ni Direk Darryl Yap na si Atty. Raymond Fortun na pinadalhan daw ng kaniyang kliyente si "Eat Bulaga" host Vic Sotto ng kopya ng script ng pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma" bago raw gawin ang teaser at ipalabas ito sa social media.

Sa panayam ng GMA Integrated News kay Atty. Fortun, wala raw natanggap na tugon ang kaniyang kliyente mula kay Vic.

"The purpose was really for them to give comments doon sa script," saad ng abogado.

"Wala naman po, ilang beses nag-follow-up di Direk Darryl tungkol doon until finally na-shoot na lahat ng mga scenes. So, hindi na namin kasalanan 'yon," paliwanag pa ni Fortun.

Pelikula

Atty. Jesus Falcis, nilantad 'resibo' na 'di raw nagpaalam si Darryl Yap

Nilinaw rin ng legal counsel na wala pa raw utos ang korte na ipahinto ang promotional teasers o videos kaugnay ng kontrobersiyal na biopic movie ng sexy star noong 80s.

Matatandaang noong Enero 9 ay pormal nang nagsampa ng kasong 19 counts of cyber libel si Bossing Vic laban kay Direk Darryl, sa Muntinlupa City Regional Trial Court, sa prosecutor's office.

Nakasaad daw sa petisyon ni Vic ang pagpapahinto ng pagpapakalat ng anila'y sensitibo at personal na mga detalye tungkol sa una, maging ang pagpapa-take down umano online ng nabanggit na promotional material.

Iniutos naman ng korte na magsumite ang kampo ni Darryl ng verified return of the writ kaugnay nito.

Pagdidiin ni Atty. Fortun, wala pang utos ang korte na alisin na ang teaser, at ilalaban pa nila ang karapatan ng direktor kaugnay ng "freedom of artistic expression."

MAKI-BALITA: Korte, wala pa raw utos na itigil pagpapalabas ng 'The Rapists of Pepsi Paloma' teaser