January 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos 6 na taong paghihintay: Karylle, buntis na raw?

Matapos 6 na taong paghihintay: Karylle, buntis na raw?
Photo Courtesy: Karylle (FB), Freepik

Nagbigay ng reaksiyon si showbiz insider Ogie Diaz hinggil sa tsikang nagdadalang-tao raw ang “It’s Showtime” host na si Karylle.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Enero 11, sinabi ni Ogie na hindi raw gaanong kapani-paniwala ang nasabing tsika.

“Sana nga totoo ‘yan. E, kaya lang hindi pa gano’n ka-reliable,” saad ni Ogie.

Saka nagtataka nga ‘yong mga tao. Kung totoong buntis si Karylle, ba’t daw di ina-announce sa ‘Showtime?’” segunda naman ng co-host niyang si Mama Loi.

Tsika at Intriga

#BALITAnaw: Ang karumal-dumal na pagpaslang kay Ruby Rose Barrameda noong 2007

“Ba’t naman kailangang i-congratulate kung inililihim talaga?” balik na tanong ng showbiz insider. “Na gusto na lang ni Karylle na hayaan n’yong lumaki ang tiyan ko. Tapos, habang lumalaki ‘yan, do’n n’yo lang mahahalata”

“Anyway, sana nga hindi ‘yan fake news. Pero mukha ngang fake news. Walang masyadong detalye, e,” dugtong pa niya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inaanunsiyo si Karylle na anoman tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Kaya payo ni Ogie, huwag masyadong magpapaniwala sa mga nababasa sa social media maliban na lang kung galing ito sa mga reliable news site.