February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Korte, wala pa raw utos na itigil pagpapalabas ng 'The Rapists of Pepsi Paloma' teaser

Korte, wala pa raw utos na itigil pagpapalabas ng 'The Rapists of Pepsi Paloma' teaser
Photo courtesy: Jonathan Hicap (MB/Darryl Yap (FB)

Nilinaw ng abogado ng direktor na si Darryl Yap na si Atty. Raymond Fortun na wala pa raw utos ang korte na ipahinto ang promotional teasers o videos kaugnay ng kontrobersiyal na "The Rapists of Pepsi Paloma."

Matatandaang noong Enero 9 ay pormal nang nagsampa ng kasong 19 counts of cyber libel si "Eat Bulaga" host Vic Sotto laban kay Darryl, sa Muntinlupa City Regional Trial Court, sa prosecutor's office.

Nakasaad daw sa petisyon ni Vic ang pagpapahinto ng pagpapakalat ng anila'y sensitibo at personal na mga detalye tungkol sa una, maging ang pagpapa-take down umano online ng nabanggit na promotional material.

MAKI-BALITA: Vic Sotto, trending matapos mabanggit sa teaser ng 'The Rapists of Pepsi Paloma'

Tsika at Intriga

Kris inisa-isa mga sakit, biniro ni Bimby: 'You belong in X-Men, you're a mutant!'

Iniutos naman ng korte na magsumite ang kampo ni Darryl ng verified return of the writ kaugnay nito.

Ayon nga sa legal counsel ng direktor, batay sa panayam ng GMA Integrated News, wala pang utos ang korte na alisin na ang teaser, at ilalaban pa nila ang karapatan ng direktor kaugnay ng "freedom of artistic expression."

Sinabi rin ng kampo ni Darryl na binigyan nila ng kopya ng script si Vic bago pa ipalabas ang teaser, taliwas sa sinabi ng huli na hindi umano kumonsulta sa kanila ang direktor bago gawin ang proyekto.

Ang layunin daw ng pagpapadala ng script kay Vic ay para makapagkomento ito subalit sa makailang beses daw na pag-follow-up sa kanila ay wala naman daw tugon sa kanila.

MAKI-BALITA: Vic Sotto, sinampahan na ng kaso si Darryl Yap kaugnay ng ‘Pepsi Paloma’ movie trailer

MAKI-BALITA: Darryl Yap, nagsalita na sa pagkaso ni Vic Sotto: ‘Mahalagang mapanood muna nila ang buong pelikula’