Nasawi ang isang 19 taong gulang na dalaga matapos manlaban at pagsasaksakin ng isang lalaking nagtangka umano siyang gahasain.
Kinilala ang biktima na si Lady Grace Galo na aktibong altar server at isang second year student na noo’y nasa kanilang tahanan sa Sitio Dinogon, Sta. Ana, Tagoloan, Misamis Oriental nang mangyari ang krimen. Ayon sa mga awtoridad, dumaan umano ang suspek sa bintana upang tangkaing magahasa ang biktima, ngunit sinubukan daw nitong manlaban, dahilan upang pagsasaksakin siya ng suspek.
Hindi pa tukoy ng Tagoloan Municipal Police Station (TMPS) ang pagkakakilanlan ng suspek, ngunit mayroon na umanong anim na kabataang iniimibistigahan ang pulisya.