Ano-ano nga ba ang katangiang nagustuhan sa isa’t isa nina Kapuso artists Jillian Ward at Michael Sager?
Sa ulat ng GMA Entertainment noong Sabado, Enero 11, sinabi ni Michael na ipinagpapasalamat daw niya na pinapayuhan siya ni Jillian ng mga dapat gawin sa future.
“I was grateful because she gave me advice of what to do in the future, when I’m on set, when I’m working with others. And ‘yong advice na ‘yon was true and talagang authentic, and I appreciated it,” saad ni Michael.
Dagdag pa ng aktor, magaan daw katrabaho si Jillian dahil susuportahan ka nito sa paggawa ng mga eksena.
Aniya, “That’s important po kasi minsan, nahihirapan ka, she’s always there by my side, and I really appreciate that, Jill.”
Samantala, ayon naman kay Jillian, attentive daw si Michael.
“Sabi niya nga, he finds me helpful, but I think it’s because attentive lang siya. He really listens kung ano man ang sasabihin sa kaniya ng mga ka-work niya, ng mga kasama niya,” lahad ni Jillian.
Bukod dito, matulungin din daw at masipag si Michael, ayon sa aktres. Pero higit sa lahat, grabe raw ang pananampalataya nito sa Diyos.
“He always talks about God and he always prays. He’s very religious,” sabi ni Jillian.
Magkakasama ang dalawa sa bagong primetime series ng GMA Network na “My Ilonggo Girl” na magsisimulang ipalabas sa Enero 13, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m.