January 12, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Coco, nagsalita na sa pagiging showy niya kay Julia

Coco, nagsalita na sa pagiging showy niya kay Julia
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT), B617 Artists Management (IG)

Nagbigay na ng reaksiyon si Kapamilya Primetime King Coco Martin sa unti-unting pagbubukas niya sa publiko paatungkol sa tunay na relasyon nila ni Kapamilya actress Julia Montes.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Enero 12, sinabi ni Coco na bagama’t hindi sabihin ni Julia, nararamdaman daw niyang gusto na raw nitong ilantad sa publiko ang namamagitan sa kanilang dalawa.

“Siyempre minsan alam ko, hindi man niya sa akin sinasabi, na para bang ‘Ano ‘to? Habambuhay na lang na para bang never mo akong [ipapakilala]?’” saad ni Coco.

Dagdag pa ng aktor, wala raw kasi sa katangian niya ang pagiging expressive sa kaniyang nararamdaman.

Relasyon at Hiwalayan

Aubrey Miles, Troy Montero gumagawa ng maselang video 'for personal consumption'

“One time nga, ‘yong ‘Saving Grace,’ edi pumunta ako do’n may bulaklak.  Ayaw ko na ako ang mag-abot. [...] Hindi ko personalidad. Sabi ko talaga, ‘iabot n’yo na.’ E, siyempre gusto nila ako mag-abot. Parang ang awkward sa akin,” aniya.

Ngunit nauunawaan naman daw ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga si Coco dahil may mga tao raw talagang katulad nito.

Matatandaang noong 2024 at 2023 ay madalas nang i-flex ni Coco ang mga kuhang larawan nila ni Julia mula sa kanilang mga gala sa iba’t ibang lugar.

MAKI-BALITA: 'Tumatapang na ah!' Coco, flinex pagyakap kay Julia sa Espanya

MAKI-BALITA: Di na nagtatago sa 'dilim:' CocoJuls, nagbago na

MAKI-BALITA: Matapos mag-Italy kasama si Coco: Julia, buntis na nga ba?