January 12, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Aubrey Miles, Troy Montero gumagawa ng maselang video 'for personal consumption'

Aubrey Miles, Troy Montero gumagawa ng maselang video 'for personal consumption'
Photo Courtesy: Screenshots from YoüLOL (YT)

Inamin ng celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero na gumagawa sila ng maseselang video para sa kanilang personal at own consumptions.

Sa latest episode kasi ng “Your Honor” noong Sabado, Enero 11, nausisa ang dalawa kung nanonood daw ba sila ng porn nang magkasama.

“Silip. Pero hindi talaga. [...] Siguro solo each other pero hindi together,” sagot ni Aubrey.

Sundot na tanong tuloy ng host na si Buboy Villar, “‘Pag kunwari nakita n’yo po siya [si Troy]] nahuli mo po siyang nanonood ng porn. Hindi naman po kayo magagalit?”

Relasyon at Hiwalayan

Coco, nagsalita na sa pagiging showy niya kay Julia

“Magtatanong lang,” sagot ni Aubrey. “Sino ‘yan?”

“E sinabi ni Sir Troy, ‘ikaw din ‘to,’” natatawang dugtong ni Buboy.

“De, mayro’n kami,” wika ni Aubrey, “Sabi ko nga sa kaniya, panoorin mo ‘yan, ha. Tingnan mo, nakalimutan mo na ‘yang video na ‘yan. Sasabihin niya, ‘I watched it.’”

Biro tuloy ni Tuesday Vargas, isa rin sa host ng nasabing vodcast, “Ang cute, ang cute! Pa-send n’yo rin sa staff.”

Matatandaang may kumalat na maselang video si Troy noong Oktubre 2024 at kinumpirma pa nga niya ito sa isang panayam.

Ngunit hindi naman daw siya apektado dahil matagal na raw naman ang naturang video.

MAKI-BALITA: Kumpirmado: Troy Montero, may kumalat ngang maselang video