Patay na nang matagpuan sa isang tubuhan ang katawan ng isang limang taong gulang na batang babae sa Valencia, Bukidnon noong Sabado, Enero 11, 2025.
Ayon sa ulat ng ilang local media outlet, Biyernes, Enero 10, nang mawala raw ang biktima habang siya ay nakikipaglaro. Habang umaga noong Sabado nang tumambad daw sa may ari ng naturang tubuhan ang bangkay ng bata.
Hinihinalang ginahasa ang biktima matapos siyang marekober na wala nang suot na saplot sa katawan. Isinailalim na rin daw sa autopsy ang mga labi ng bata upang matukoy ang mismong sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Hustisya ang sigaw ng mga magulang ng biktima lalo na’t wala pa raw persons of interest ang mga awtoridad.