Naglabas na ng pahayag ang movie outfit ng ABS-CBN na Star Cinema hinggil sa “My Love Will Make You Disappear” na pagbibidahan nina Kapamilya stars Kim Chiu at Paulo Avelino.
Sa Facebook post ng nasabing movie outfit nitong Sabado, Enero 11, inanunsiyo nila ang magiging bagong playdate ng inaabangang pelikula.
“The film will now appear in cinemas worldwide starting March 26,” saad ng Star Cinema.
Bukod dito, inilatag din ng Star Cinema ang dahilan kung bakit nalipat sa ibang petsa ang pagpapalabas nito.
Anila, “The move comes in light of new developments and exciting opportunities to expand into the North American market.
“ We are happy to share the global theatrical distributor Abramorama and award-winning international entertainment marketing firm Amorette Jones Media Consulting are collaborating again with Star Cinema in bringing the beautiful story to even more viewers as they believe in the film’s universal appeal that can captivate a broader audience,” dugtong pa ng Star Cinema
Matatandaang nag-trending kahapon, Enero 10, ang KimPau at Star Cinema dahil sa kumalat na tsikang hindi raw matutuloy ang release ng “My Love Will Make You Disappear.”
MAKI-BALITA: KimPau, Star Cinema trending sa X; bakit kaya?
Lalo pang tumindi ang intriga tungkol dito nang magbahagi si Paulo ng makahulugang post sa kaniyang X account na tila pahiwatig na ayaw na nitong tapusin ang isang pelikulang hindi naman niya pinangalanan.
MAKI-BALITA: Cryptic post ni Paulo Avelino, pinag-usapan; patutsada sa Star Cinema?