January 11, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Buboy Villar pinapasaya, inaalagaan ng bagong non-showbiz partner

Buboy Villar pinapasaya, inaalagaan ng bagong non-showbiz partner
Photo Courtesy: Buboy Villar (FB), Pexels

Isiniwalat ni “Your Honor” host at dating child star Buboy Villar na mayroon daw nagpapasaya at nag-aalaga sa kaniya lalo na ngayong papalapit na ang Araw ng mga Puso.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Buboy na sobrang pinagpala raw siya dahil may isang tao raw na dumating sa buhay niya.

“Masasabi ko lang ngayon I'm happy. Sobrang happy ko ngayon dahil siyempre, magpe-February na, masaya ang puso natin,” saad ni Buboy. 

Dagdag pa niya, “I'm blessed, Tito Boy, dahil siyempre mayro’ng dumating na isang tao sa atin na nagki-care sa atin.”

Relasyon at Hiwalayan

Pau Fajardo, ikinasal na!

Pero aniya, non-showbiz daw ang kaniyang special someone. Maliban dito ay wala na siyang ibinigay na detalye pa tungkol sa pagkatao nito. 

Sabi pa ni Buboy, hindi na rin daw niya binibilang pa kung ilan taon na silang magkarelasyon.

“Basta ang importante po sa 'kin, araw-araw kami magkasama,” saad niya.

Matatandaang matapos ang hiwalayan nila ng ex-partner niyang si Angillyn Gorens noong 2020 ay na-link si Buboy sa kaibigang social media personality na si Jelai Andres. 

MAKI-BALITA: Buboy, nagsalita na sa real score nila ni Jelai