Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng madaling araw, Enero 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:41 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 200 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 137 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.