Nagbigay ng update ang anak ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na si Iñigo Pascual matapos ang mapaminsalang wildfire sa Los Angeles, California.
Sa Instagram story ni Iñigo noong Huwebes, Enero 9, ligtas daw na naka-evacuate ang kaniyang pamilya kasama na ang alaga nilang hayop.
“Thanks to everyone checked in. Haven’t been able to respond to all the messages. My family evacuated where we live last night and everyone is safe including our furry fam members,” saad ni Iñigo.
Dagdag pa niya, “Praying and claiming for this to end soon. Sending prayers to everyone in LA [especially] to those who lost their homes.”
Sa huli, pinaalalahaan ni Iñigo ang mga nasa Los Angeles na maging alerto.
Kasama sa mga naapektuhan ng sunog ang tirahan ng mga malalaking Hollywood celebrities tulad nina Billy Crystal, Mandy Moore at Paris Hilton.
Matatandaang napabilang si Iñigo noong 2021sa Hollywood musical drama na ‘Monarch’.
MAKI-BALITA: Iñigo Pascual, sasabak sa Hollywood musical drama ‘Monarch’