Naghain na ng 19 counts ng cyber libel ang "Eat Bulaga" host-comedian na si Vic Sotto laban sa direktor na si Darryl Yap nitong Huwebes, Enero 9, kaugnay ng teaser ng upcoming movie na “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Nagtungo si Sotto kasama ang asawa niyang si Pauleen Luna sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) upang isampa ang ang kaso laban kay Yap sa Office of the Prosecutor sa Muntinlupa.
Ayon sa kampo ni Sotto, ang naturang reklamo ay kaugnay ng teaser na inilabas kamakailan kung saan tahasang binanggit ang pangalan ni Vic na bilang “nang-rape” umano kay Pepsi Paloma.
"Ipaliwanag mo sa akin, magsabi ka sa akin, ipaliwanag mo dahil hindi ko naiintindihan! Pepsi sumagot ka! Ni-rape ka ba ni Vic Sotto?" tanong ng karakter na “Charito Solis” sa pelikula na ginanapan ni Gina Alajar.
"Oo!" mariing naman sagot ng karakter ni “Pepsi Paloma” na ginanapan ni Rhed Bustamante.
Pagkatapos nito, mababasa rin sa naturang clip ang katagang: "NAGSAMPA NG KASONG RAPE SI PEPSI PALOMA LABAN KAY VIC SOTTO NOONG AUGUST 17, 1982."
MAKI-BALITA: Vic Sotto, trending matapos mabanggit sa teaser ng 'The Rapists of Pepsi Paloma'
Dahil dito, nitong Huwebes, Enero 8, nang unang mabalita ang patungkol sa planong paghahain ng reklamo laban sa kaniya ni Sotto, bagay na ibihagi pa ni Yap.
MAKI-BALITA: Unbothered? Darryl Yap, ibinalandra balitang irereklamo siya ni Vic Sotto