January 09, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Unbothered? Darryl Yap, ibinalandra balitang irereklamo siya ni Vic Sotto

Unbothered? Darryl Yap, ibinalandra balitang irereklamo siya ni Vic Sotto
Photo courtesy: Darryl Yap (FB)/Vic Sotto (FB)

Ibinahagi mismo ng direktor na si Darryl Yap ang balita ng News 5 patungkol sa paghahain daw ng reklamo laban sa kaniya ni "Eat Bulaga" host-comedian Vic Sotto, kaugnay pa rin sa pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma."

Sa teaser na inilabas kamakailan ay tahasang nabanggit ang pangalan ni Vic na sinambit ng batikang aktres-direktor na si Gina Alajar na gumaganap bilang Charito Solis, habang emosyunal na kausap si Pepsi na ginampanan naman ng dating child star na si Rhed Bustamante.

Batay kasi sa ulat ng News 5 nitong Miyerkules, Enero 8, ihahain daw ng kampo ng TV host-comedian ang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court, bukas ng Huwebes, Enero 9, ayon sa legal counsel ni Sotto.

Maliban dito, wala nang ibang detalye kung anong reklamo o kaso ang isasampa ni Sotto laban kay Yap.

Pelikula

Vic Sotto, maghahain daw ng reklamo laban kay Darryl Yap!

Ibinahagi naman ni Yap sa kaniyang Facebook account ang balita ng News5 tungkol dito subalit walang caption. Wala pa siyang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol sa legal na hakbang na ito ng kampo ni Sotto.

MAKI-BALITA: Vic Sotto, maghahain daw ng reklamo laban kay Darryl Yap!