January 09, 2025

Home BALITA Probinsya

Tatlong magkakapatid, magkakasunod umanong sinapian ng masamang espirito?

Tatlong magkakapatid, magkakasunod umanong sinapian ng masamang espirito?
Photo courtesy: Pexels

Isang ina mula sa Kabankalan City, Negros Occidental ang naniniwalang magkakasunod umanong sinapian ng masamang espirito ang kaniyang tatlong anak.

Ayon sa ulat ng Brigada News PH noong Enero 7, 2025, nauna raw sapian ang anak na babae bandang 7:00 ng gabi nang akalain daw ng ina nito na si “Emily” na nananaginip lamang daw ito. Bigla umanong nagbago ang boses ng anak at nagsabing papatayin daw nito silang lahat.

Agad daw humingi ng tulong si Emily sa kanilang barangay na siyang nakipag-ugnayan daw upang makatawag ng pari sa kanilang lugar.

Nasundan din umano ang naturang insidente sa tahanan nina Emily nang may makita raw itong isang anino na agad nitong sinundan kasama ang kaniyang pinsan. 

Probinsya

84-anyos na lola, minaltrato ng manugang; sinilaban ng buhay!

Ayon sa panayam ng Brigada News FM Kabankalan kay Emily, nawalan daw ng malay ang kaniyang 17-taong gulang na anak sa paghabol ng umano’y anino at pagmulat daw ng mata nito ay sinambit din ang kagustuhan daw nitong patayin silang lahat.

Hindi rin daw nakaiwas ang kaniyang 21-taong gulang na anak nang magpakita na rin daw ito nang sinyales na nasapian umano ito kagaya ng dalawa niyang anak.

Samantala, kinumpirma umano ni Father Numeriano Maquiran, isa sa mga nauna raw rumesponde sa nangyaring pagsapi umano sa mga anak ni Emily, na “demonically possessed” daw ang nangyari sa kanila. 

Itinuturo din daw na dahilan ni Maquiran ay ang “talisman” o anting-anting na suot ng isa sa mga anak ni Emily na umano’y nakakatawag daw ng masasamang elemento.