May arrest warrant na ang social media personality-event host na si Jude Bacalso kaugnay sa kasong isinampa laban sa kaniya ng isang server sa isang restaurant na pinatayo niya umano ng ilang oras matapos siyang tawaging "Sir."
Ayon sa mga ulat, naglabas ng warrant of arrest laban kay Bacalso ang Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 6 dahil sa kasong grave slander by deed, batay sa insidenteng nangyari sa kanilang dalawa habang naka-duty ang waiter noong Hulyo 2024.
Matapos mag-viral ang video at makaapekto ito sa waiter ay nagsampa siya ng kaso laban kay Bacalso.
MAKI-BALITA: Jude Bacalso, kinasuhan ng waiter na tumawag sa kaniya ng 'Sir'
MAKI-BALITA: Transgender customer na nagpatayo sa waiter, tinadtad ng 'sir' at 'angkol'
May temporary bail naman na ₱18,000 ang nabanggit na kaso ni Bacalso.
Samantala, wala pang opisyal na tugon, reaksiyon, post o pahayag ang kampo ni Bacalso tungkol dito.