Nag-post ng tribute ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa two-time gold medalist sa Southeast Asian Games na si Mervin Guarte, na pinatay sa saksak habang natutulog sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong Martes ng madaling araw, Enero 7.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, natutulog si Guarte nang pagsasaksakin umano ng hindi pa nakikilalang salarin.
Nangyari raw ang insidente sa bahay ng mismong kaibigan ng biktima na si Barangay Kagawad Dante Abel na matatagpuan sa Sitio Pinagkaisahan sa Barangay Camilmil, Calapan City.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dumayo umano si Guarte sa naturang lugar para makipag-inuman mula noong Lunes ng gabi hanggang kinabukasan, alas-tres ng umaga.
MAKI-BALITA: SEA Games medalist, patay sa saksak habang natutulog!
Nabalitaan naman ni Obiena ang nangyari sa kapwa atleta at nag-post ng isang tribute para dito.
"I just learned the devastating news of the shocking death of my friend and National Teammate Kuya Mervin Guarte," anang Obiena sa kaniyang IG post.
"May his soul rest in peace, and I am sending my deepest condolences to his family and loved ones. What a tragedy. Only 33 years old."
May napagtanto rin ang atleta sa nangyari sa kaniyang kaibigan.
"This is another poignant reminder to us all, that we must embrace every day as a gift; as tomorrow is never guaranteed."
"Blessed to have shared the track with you. Rest well my friend," aniya pa.