Tila takot ang Kapuso actor na si Paolo Contis sa kaniyang sariling multo batay sa inamin niya sa “Your Honor” hosted by Tuesday Vargas at Buboy Villar.
Sa latest episode ng nasabing vodcast kamakailan, nausisa si Paolo tungkol sa posibleng mga lalaking dumating sa buhay ng tatlo niyang anak na babae in the near future.
“You have three girls…one day, mayro’ng lumapit sa ‘yo na binatilyo na ‘Tito Pao, kaibigan ko po si Summer. Okay lang po ba na paminsan-minsan pupunta po ako rito?’ Pero knowing what are you thinking now, naku, waiting in the wings! [...] How will you handle it?” tanong ni Tuesday.
“It’s gonna happen, anyway. [...] ‘Yon ang number one na kinakatakot ko,” natatawang sagot ni Paolo.
Pero paseryosong saad niya, “Kumbaga gusto mo na ‘yong manligaw sa mga anak mo maging kagaya mo ang ugali. So, ‘yon ‘yong goal ko.”
“Masasabi ko na kung ‘yong Paolo mga 10 years ago, or 15 years ago, naku, Diyos ko, Lord! Tatampalin ko talaga ‘yan,” dugtong pa ng aktor.
Sa kasalukuyan, nasa proseso pa rin daw si Paolo ng pagbabago. Matatandaang ilang beses na siyang nasasangkot sa intriga na may kinalaman sa pambabae.
In fact, napagkamalan pa ngang may relasyon si Paolo sa dati niyang co-host na si Arra San Agustin sa defunct noontime show na “Tahanang Pinakamasaya.” Ngunit pinabulaanan na ito ng dalawa sa magkahiwalay na panayam.
MAKI-BALITA: Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?
MAKI-BALITA: Paolo Contis, nagsalita na tungkol sa kanila ni Arra