January 09, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Matapos eskandalo: Maris, Anthony bumulaga sa fancon ng Incognito

Matapos eskandalo: Maris, Anthony bumulaga sa fancon ng Incognito
Photo courtesy: via Ganiel Krishnan, ABS-CBN News (FB)

Halos isang buwan matapos pumutok ang intriga at kontrobersiya ng "screenshots" ni Jam Villanueva, lumabas na rin sa publiko nang magkasama sina Maris Racal at Anthony Jennings at sumama sa mall show ng kanilang upcoming action series na "Incognito" na mapapanood na sa Primetime Bida ng ABS-CBN at Netflix.

Sa larawang ibinahagi ni ABS-CBN showbiz news reporter Ganiel Krishnan at makikita sa ABS-CBN News, makikitang magkakasama ang cast na pinangungunahan nina Richard Gutierrez, Baron Geisler, Kaila Estrada, Ian Veneracion, at Daniel Padilla.

Makikita namang magkatabi pa sina Maris at Anthony sa larawan.

Ito ang unang beses na nasilayang magkasama ang dalawa matapos ang media conference ng Incognito, at lumabas na nga ang isyung pinakawalan ng ex-girlfriend ni Anthony.

Teleserye

'Batang Riles,' sumasalamin sa tunay na buhay sey ni Miguel Tanfelix

Hindi naman sumama ang dalawa sa mga ginanap na mediacon at promotion ng pelikulang "And The Breadwinner Is..." ni Vice Ganda, na isa sa mga opisyal na pelikulang kalahok sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Wla akong pake sa personal issue ni maris. Di maitanggi ang galing nya sa craft nya."

"good job maris"

"Pasabog Ang incognito at Ang gagaling ng mga casts. Pangworld class Ang aktingan"

"Move on na kau ,2025 na"

"Maris is undeniably one of the generations best actress."

"I was there and mind you malakas pa rin ang sigawan kaila DJ, Maris, at Anthony hahaha"

"Good to see you Maris and Jennings hayaan mo mga basher ngayon paba na okie na lahat."