Nagwala ang mga netizen sa ibinahaging larawan ni Kapuso star at tinaguriang "Pambansang Ginoo" na si David Licauco habang naliligo sa isang talon.
Hubad-baro kasi si David at kitang-kita ang kaniyang mga "pandesal" at magandang pangangatawan.
Nakiliti naman ang mga netizen sa caption niyang tila nag-aaya pa.
"Wer na u, dito na me," aniya.
Nakakaloka naman ang komento ng mga netizen na tila gusto raw siyang sisirin at makiligo sa kaniya.
"Papunta na ko beeeehhh..."
"nandiyan na nanginginig pa hahaha..."
"Ang sarap mo sisirin baby koooo"
"May klase pa Ako wait ka lang diyan"
"Nyarap"
"Ginoo at bakit wala kang saplot sa katawan? Mahigpit na pinag babawal Yan lalo nat wala pa ako dyan"
"Ay bat di mo sinabing magpipicture pala nakasisid pako jan sa baba e."
"K, ready na sumisid babe."
Kamakailan lamang ay nawindang naman ang mga netizen sa "view" ng kaniyang larawan habang nakasuot ng basketball outfit.
MAKI-BALITA: David Licauco nagpasilip ng ball, netizens nanginig sa kilig