May patutsada ang former actor-turned-rapper na si Carlos Agassi sa lahat ng bashers na umaasam na sana raw ay maghiwalay na sila ng kaniyang "wify" na si Sarina Yamamoto.
Sa kaniyang Instagram post ni Amir, ibinahagi niya ang collage ng celebrity couples na naghiwalay na gaya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), James Reid at Nadine Lustre (JaDine), Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen), Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, Bea Alonzo at Dominic Roque, Barbie Forteza at Jak Roberto, at Maris Racal at Rico Blanco.
Mapapansing naka-black and white ang mga larawan ng nabanggit na ex-celebrity couples ngunit ang larawan nila ni Sarina ay may kulay pa rin at nasa itaas pa.
Para kay Amir, iba raw ang feeling kapag kasundo mo sa lahat ng bagay at trip ang partner mo, gaya ng kaniyang misis.
"Mga gusto kaming maghiwalay wala na Kayo sa mundo kami padin ng wify ko #sarinaagassi #mrmrsagassi #carlosagassi lab na lab iba pag nahanap mo happiness mo, forever mo, best friend mo, partner un crime mo, parehe kayo mag isip at ng trip at higit sa lahat mas malupit mag rap kesa sa akin wahahaha ," caption dito ni Carlos.
Matatandaang bina-bash sina Carlos at Sarina dahil sa medyo naughty na tema ng kanilang rap songs.