January 09, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ungkatan ng past? Piolo binasted, 'di raw pala sinagot ni Toni noon!

Ungkatan ng past? Piolo binasted, 'di raw pala sinagot ni Toni noon!
Photo courtesy: Screenshots from Toni Talks (YouTube)

Windang ang mga netizen sa tila rebelasyon ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na "hindi raw siya sinagot" noon ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, nang makapanayam ng huli ang una sa kaniyang talk show vlog na "Toni Talks."

Kinumusta kasi ni Toni ang love life ni Papa Pi at kung paano niya ito hina-handle.

Pabirong sagot ng aktor, "Wala naman eh. May love life ba ako?"

"Ngayon wala," saad ni Toni.

Relasyon at Hiwalayan

Carlos Agassi sa bashers: 'Wala na kayo sa mundo kami pa rin ng wify ko!'

"Tagal na no'n eh, hindi ko na alam 'yong love life eh, napaisip ako ro'n ah..." saad pa ni Piolo.

Sa ngayon daw ay nag-eenjoy na single si Papa Pi. At ang nakakaloka, 13 taon na raw palang walang jowa ang aktor.

Nang matanong kung ayaw na ba niya ng full-on commitment, "Not for now. I mean, you know, I'm at a point in my life..."

Nabasag naman ang sasabihin ni Piolo nang mag-react at matawa si Toni na parang naririnig daw niya ang sinabi ni Piolo sa mga bagets.

"Totoo kasi eh. You know, I love being single. I don't see the point of being with someone especially now because I'm busy with work, I'm always with friends, I'm always with my family, and it's not something that I look for because, eh nasanay na eh," paliwanag ni PJ.

Pero nang mabanggit na ni Toni ang nasabi raw ni Bossing Vic Sotto na sa kaniyang edad na tumatanda na siya at walang naghihintay sa kaniya sa pag-uwi, tila napaisip daw si PJ.

Sundot na tanong ni Toni ay kung ano naman daw ang mga katangian ng isang babaeng hinahanap niya? Sagot ni PJ, dapat daw ay Christian din, family-oriented, at mabait.

Bukod pa sa mga ito, ang highlight pa ng vlog ay nang mabuking ni Piolo na "niligawan" niya pala si Toni noon. 

Ibinida kasi ni Toni na bait na bait daw kay Piolo ang kaniyang Daddy Bonoy. 

"Ang ganda talaga ng image mo sa Daddy ko," sey ni Toni.

Dito ay tila nadulas si Piolo na "nagparamdam" pala siya kay Toni noon!

“Tapos hindi mo ako sinagot," sey ni Piolo.

Natatawang tugon naman ni Toni, "Ewan ko sa ‘yo, PJ! Para kang tanga..."

Close sina Piolo at Toni dahil bukod sa nasa iisang home network sila (bago pa umalis sa ABS-CBN si Toni) at nagkakasama sa musical noontime show na "ASAP," bumida rin sila sa pelikulang "Starting Over Again" noong 2014, at sa isang seryeng hindi natuloy. Bukod dito, bumuo raw ng small group si Piolo noong 2005 para sa bible study ng mga celebrity, at isa sa mga miyembro nito si Toni, kasama ang comedy actress na si Rufa Mae Quinto.