January 09, 2025

Home SHOWBIZ

Piolo sa mga artistang Gen Z: 'Wag dapat lumaki ang ulo'

Piolo sa mga artistang Gen Z: 'Wag dapat lumaki ang ulo'
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT)

Nagbigay ng payo si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa mga bagong artista at aspiring young star na gustong pumasok sa showbiz industry.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Enero 5, sinabi ni Piolo na huwag daw dapat lumaki ang ulo ng mga bata at bagong artista.

“Huwag dapat lumaki ang ulo,” saad ni Piolo. “Ang hirap kasi ng Gen Z ngayon, e. Nakakalunod ‘yong social media. So I would suggest or encourage them to stay away from it as much as possible.

“Kasi that shouldn’t define you. Because ‘yong core mo dapat ‘yong nanggagaling sa bahay, ‘yong faith mo. Hindi ‘yong sinasabi ng tao, hindi ‘yong kung gaano karami ang followers mo,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'

Masasabing isa si Piolo sa mga artistang nakatagal sa industriya sa mahabang panahon. Matatandaang lampas dalawang dekada na niyang ipinapamalas ang talento sa pag-arte. 

Nagsimula ang showbiz career ni Piolo nang una siyang mapabilang sa youth-oriented show na “That’s Entertainment.”

MAKI-BALITA: Piolo Pascual, itinuturing na 'daddy' si Mr. M