Nagbukas ng kaniyang puso ang tinaguriang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual tungkol sa kaniyang kaisa-isang anak na si Iñigo Pascual na naka-penetrate na rin sa mundo ng showbiz at gumawa ng kaniyang sariling pangalan.
Ayon sa panayam kay Piolo ni Toni sa kaniyang "Toni Talks," sinabi ni PJ na hindi sumagi sa isip niyang itago ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.
"I had to make sure that people know I have a son," giit ni Piolo kay Toni.
"I felt na parang he needed a validation for him to feel secure, and also accepted."
Naging challenge man ito sa kaniya dahil nasa kasikatan noon ang tambalan nila ni Judy Ann Santos, hindi pa rin ito naging hadlang para itago niya sa publiko ang pagkakaroon ng anak.
Ang sarap daw ng pakiramdam para sa kaniya na sa tuwing kasama niya ang anak, wala raw siyang kailangang isipin at itago sa mga tao.
Dedication at burning desire o passion sa ginagawa naman ang payo ni Papa Pi para kay Iñigo nang tuluyan na itong sumunod sa kaniyang yapak. Nang magsabi raw sa kaniya ang anak na gusto nitong pasukin ang showbiz, pumayag daw si Piolo pero sa kondisyong kailangang magtapos muna ito ng pag-aaral at magkaroon ng high school diploma, kahit pa noong una ay diniscourage niya ang anak.
Lagi raw siyang nakatatanggap ng personalized Father's Day card mula sa anak, na naglalaman ng pakiusap nito sa kaniyang payagan siyang mag-showbiz.
Aminado naman si Piolo na mas magaling daw sa kaniya ang anak. Marami itong ginagawa na taliwas sa mga ginagawa niya, gaya ng pagiging songwriter at performer.
Dito ay sinabi naman ni Toni na mas performer nga si Iñigo kaysa kay Papa Pi dahil kaya nitong sumayaw at kumanta at the same time.
Masaya raw si Piolo na hindi kinailangang magtago ng anak sa kaniyang anino, bagkus ay gumawa ng sariling pangalan. Mas magaling daw ang anak kaysa sa kaniya dahil siya ay total performer.
Isa pa sa ikina-proud ni Piolo sa anak ay ang pagkakapasok nito sa Hollywood movie na "Monarch," at ang latest ay bibida rin siya sa "Homestead."
Iyon daw ang nakaka-proud kay Piolo bilang isang magulang dahil wala raw siyang hinangad pa sa anak kundi ang mas mapabuti ito.