January 08, 2025

Home SHOWBIZ Events

KILALANIN: Mga artistang deboto ni Jesus Nazareno

KILALANIN: Mga artistang deboto ni Jesus Nazareno
Photos courtesy: Coco Martin (FB), McCoy De Leon (FB), Ai Ai Delas Alas (FB), Tina Paner (FB), Giselle Sanchez (FB), Angeline Quinto (FB), Bayani Agbayani (FB), Melai Cantiveros (IG), ABS-CBN Website, News 5, Quiapo Church (FB)

Taon-taon, milyon-milyong deboto ang nakikiisa sa pista ng Jesus Nazareno upang ipagpasalamat ang mga biyaya at natutupad na dasal.

Idinaraos ang pista bilang bahagi ng panata ng maraming deboto, kabilang ang ilang kilalang personalidad sa showbiz.

Ang Pista ng Jesus Nazareno ay isang taunang pagdiriwang tuwing Enero 9 bilang pagbibigay-pugay sa Poong Nazareno, isang banal na imahen ni Jesus na nagdadala ng krus. Tanyag ang pista na ito sa Quiapo, Maynila, kung saan matatagpuan ang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church.

Narito ang listahan ng mga artista na aktibong deboto ng Nazareno magpahanggang ngayon:

Events

MMDA, pinabulaanang sa Pasig gaganapin parada ng 2nd Summer MMFF

1. Coco Martin

Nagdasal daw ang Primetime King na si Coco Martin sa Hesus Nazareno noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz. Natupad daw ang kaniyang mga dasal. Ngayon, patuloy siyang nagpapasalamat sa kaniyang tagumpay. 

Matatandaang ang hit teleserye niyang "FPJ's Batang Quiapo" ay nagpapakita rin sa pananampalataya ng mga karakter sa Nazareno tuwing may idinudulog silang problema at pasasalamat. 

2. Ai Ai Delas Alas

Isa ring devotee, regular na nagdarasal si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa iba't ibang simbahan bilang bahagi ng kaniyang debosyon sa Poong Hesus Nazareno. Sa kaniyang social media account ay nagpo-post din siya ng quotes na may kinalaman sa pananampalataya niya sa Nazareno.

3. Tina Paner

Taunang bumibisita si Tina Paner sa Quiapo upang magdasal sa Hesus Nazareno.

4. Giselle Sanchez

Napagaling umano ng Nazareno ang karamdaman ni Giselle Sanchez, dahilan kung bakit naging deboto siya nito noon at magpahanggang ngayon ay nananalig pa rin siya.

5. Noli De Castro

Mahigit ilang dekada nang deboto ang beteranong broadcaster na si Kabayan Noli de Castro at makailang beses nang sumama sa prusisyon. Siya mismo ang nasa live coverage ng "TV Patrol" sa tuwing ibinabalita ang mga pangyayari dito.

6.  Angeline Quinto

Isa ring deboto si Queen of Teleserye Theme songs Angeline Quinto dahil sa paggaling ng kaniyang itinuring na inang si Mama Bob, na nag-udyok sa kaniya na magpatuloy sa panalangin sa poon.

7. McCoy De Leon

Nakasakay sa andas si McCoy De Leon noong isang taon at nakahalik pa sa krus bilang bahagi ng kaniyang debosyon.

8. Bayani Agbayani

Namana ni Bayani ang kaniyang debosyon mula sa kaniyang ina, na humiling ng tulong sa Nazareno matapos pumanaw ang kaniyang ama.

9. Christopher De Leon

Aktibong dumadalo ang isa sa mga batikang aktor na si Christopher De Leon sa mga aktibidad para sa Nazareno, lalo na tuwing pista.

10. Melai Cantiveros at Jason Francisco

Mag-asawang deboto, dumalo sila sa misa noong 2018 bilang bahagi ng kanilang panata sa Nazareno.

Ang Pista ng Hesus Nazareno ay patunay ng malalim na pananampalataya at pananalig ng mga Pilipino sa gitna ng pagsubok, paniniwalang nagbibigay-pag-asa sa bawat deboto. Sikat man o ordinaryong tao pantay-pantay pa rin sa kanilang pinanghahawakang pananampalataya.

Mariah Ang