January 08, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Di na alam salitang love life: Piolo 13 years na palang single, bakit kaya?

Di na alam salitang love life: Piolo 13 years na palang single, bakit kaya?
Photo courtesy: Screenshot from Toni Talks (YouTube)

Binunyag ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na 13 taon na pala siyang walang jowa, at hindi siya nagko-complain dahil nag-eenjoy siya rito.

Nangyari ang rebelasyon sa kuwentuhan nila ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa vlog nitong "Toni Talks" na agad na nag-trending sa YouTube.

Kinumusta kasi ni Toni ang love life ni Papa Pi at kung paano niya ito hina-handle.

Pabirong sagot ng aktor, "Wala naman eh. May love life ba ako?"

Tsika at Intriga

'Parang walang nangyari!' Netizens, nag-react sa pagbulaga nina Maris, Anthony

"Ngayon wala," saad ni Toni.

"Tagal na no'n eh, hindi ko na alam 'yong love life eh, napaisip ako ro'n ah..." saad pa ni Piolo.

Sa ngayon daw ay nag-eenjoy na single si Papa Pi. At ang nakakaloka, 13 taon na raw palang walang jowa ang aktor.

Nang matanong kung ayaw na ba niya ng full-on commitment, "Not for now. I mean, you know, I'm at a point in my life..."

Nabasag naman ang sasabihin ni Piolo nang mag-react at matawa si Toni na parang naririnig daw niya ang sinabi ni Piolo sa mga bagets.

"Totoo kasi eh. You know, I love being single. I don't see the point of being with someone especially now because I'm busy with work, I'm always with friends, I'm always with my family, and it's not something that I look for because, eh nasanay na eh," paliwanag ni PJ.

Sa vlog ding ito nabuking ni PJ na "dumiga" pala siya noon kay Toni pero hindi siya sinagot.

MAKI-BALITA: Ungkatan ng past? Piolo binasted, 'di raw pala sinagot ni Toni noon!