Usap-usapan ang mga ibinahaging larawan ng Kapamilya actress na si Kira Balinger kung saan isa sa mga naispatang kasama niya ay si Yen Santos.
Ang iba pang stars na kasama nila sa isang tila get-together ay sina Jameson Blake, Seth Fedelin, Diego Gutierrez, Ketchup Eusebio, Trisha Raimann, at maging ang ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Kai Montinola.
"Kickstarting 2025 with a long overdue get together!" mababasa sa caption ng Instagram post ni Kira.
Nagbahagi rin ng video clip si Yen sa kaniyang sariling IG post.
Hula ng mga netizen ay may proyektong gagawin ang stars na ito ngayong 2025, kaya baka ito na ang comeback ni Yen na matagal na nanahimik matapos ang isyu ng pakikipagrelasyon kay Kapuso actor Paolo Contis.
Ang mga netizen, napansin ang tila pag-gain weight ni Yen, na kamakailan lamang ay natsismis na "nanganak" umano sa anak nila ng ex-boyfriend na si Paolo, bagama't hindi pa ito kumpirmado at batay lamang sa mga intriga.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa post ng entertainment site na "Fashion Pulis."
"Nag-iba face, mukhang true najontis at nanganak nga"
"Muka nga nangenek!!! Period!"
"Manas pa ilong ni Yen"
"Yeah, mukhang totoo nga ang chismis na nabuntis si ate. Does this mean may binuntis na naman si Paolo at iniwan?! He is so disgusting!"
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Yen tungkol dito.