Ibinahagi ng “My Ilonggo Girl” star na si Jillian Ward kung paano ba niya itinatrato ang kaniyang mga tagasubabay at tagasuporta.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, napag-usapan ang bansag umanong “Patron Saint of Fan Service” kay Jillian.
“Ang fans ko po kasi I view them as friends, as family. Like last time, nagte-taping po ako sa ‘Abot Kamay.’ Mayroon pong isang lolang naka-admit sa hospital,” saad ni Jillian.
So talagang feeling ko, doktor ako kasi pinupuntahan ko po sila sa mga rooms nila. Kinukumusta ko sila. Kasi gusto raw po nilang makita si Doctora Analyn, makita po ako,” wika niya.
Dagdag pa ng aktres, “I really make time for them.”
Matatandaang ilang beses kinaaliwan si Jillian dahil hindi siya nag-aatubiling sumakay sa trip ng mga fan tuwing may mga pagtitipong dinadaluhan tulad noong may mag-propose sa kaniyang lalaki sa foundation day ng Navotas City.
MAKI-BALITA: ‘Welding ring:’ Jillian Ward ‘engaged’ na sa taga-Navotas