Kinaaliwan sa social media ang naging sagot ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa interview matapos niyang panooring ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “The Kingdom.”
Sa inilabas na video ng media company na MQuest Ventures, tinanong si Vico tungkol sa pinanood niyang “The Kingdom,” na pinagbibidahan ng kaniyang amang si Vic Sotto.
"Ang galing! Congratulations!” ani Mayor Vico.
“Okay na muna 'yon, 'di naman ako artista,” dagdag niya.
Dahil sa naging matipid at kwela raw na sagot ng alkalde, napatawa ang isa sa mga nag-iinterview at napasabi na lamang ng: “Ay sige.”
“'Yung shy type ka kaso anak ka ni Bossing ,” hirit ng MQuest Ventures sa kanilang post.
“Nahiya tuloy ,” komento naman ng isang netizen.
Isa ang “The Kingdom” sa sampung entries sa MMFF nitong 2024, kung saan nagkamit ito ng mga parangal na “2nd Best Picture,” “Best Visual Effects,” “Best Production Design,” at “Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.”