Yumanig ang isang 5.5-magnitude na lindol sa probinsya ng Davao Oriental dakong 5:16 ng hapon nitong Linggo, Enero 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 90 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tarragona, Davao Oriental, na may lalim na 127 kilometro.
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.
Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.