January 07, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jean Garcia kay Barbie Forteza: 'Andito lang ako'

Jean Garcia kay Barbie Forteza: 'Andito lang ako'
Photo Courtesy: Barbie Forteza (FB), Screenshot from GMA Network (YT)

Naghayag ng suporta ang beteranang aktres na si Jean Garcia para kay Kapuso star Barbie Forteza na kagagaling lang kamakailan sa breakup.

Sa ulat ng GMA Entertainment nitong Sabado, Enero 4, sinabi raw ni Jean sa isang panayam na handa raw siyang makinig kay Barbie kung sakaling kailanganin siya nito.

“Basta ako, anytime na kailangan lang ako ni Barbie, kailangan niya ng kausap, kailangan niyang mag-vent-out, kailangan niya ng suporta ko, at kailangan niya ng taong makikinig sa kaniya at gusto niya ng shoulder to cry on, andito lang [ako],” saad ni Jean.

Nagkasama ang dalawa sa teleseryeng “The Half Sisters” ng GMA Network noong 2014 at ayon kay Jean ay noon daw sila nagsimulang maging malapit ni Barbie.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver, proud kay Julie Anne matapos manalo sa Aliw Awards

Matatandaang halos kapapasok pa lang ng 2025 nang yanigin ang social media dahil sa balitang hiwalay na si Barbie sa longtime boyfriend nitong si Jak Roberto.

MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Jak hinggi sa sinapit ng relasyon nila ni Barbie.