January 06, 2025

Home BALITA Probinsya

Anak na inutusan humanap ng trabaho, pinatay sariling ama, ina sugatan!

Anak na inutusan humanap ng trabaho, pinatay sariling ama, ina sugatan!
Photo courtesy: Pexels

Dead on the spot ang 71 taong gulang na kinilalang si Ernesto Bato habang sugatan naman ang 58 taong gulang na si Elizabeth Bato matapos silang atakihin mismo ng sarili nilang anak sa Barangay Inayangan, Calinan, Davao City.

Ayon sa ulat ng Brigada News PH nitong Sabado, Enero 4, 2025, kinilala ang suspek na si Jickie Bato, 33, anak ng mga biktima, na nagalit umano sa kaniyang mga magulang matapos daw siyang pagsabihang humanap ng trabaho.

Nangyari ang malagim na krimen habang nagsisibak daw ng kahoy ang ama ng suspek ng atakihin niya ito gamit ang isang bolo. Nakaligtas naman ang kaniyang ina, na nagtamo ng serious injuries na inundayan din daw nito ng saksak.

Samantala, nagkasa na raw ng manhunt operation ang pulisya upang matunton ang kinaroroonan ng suspek na nahaharap sa parricide at frustrated murder. 

Probinsya

57-anyos na babae sa Negros Occidental nakidlatan, patay!