Natagpuan ang katawan ng isang lalaki na lumulutang sa ilog ng Brgy. Impo, San Miguel, Leyte noong Bagong Taon.
Ayon sa ulat ng RMN Tacloban, kinilala ng awtoridad ang biktima na si "Rick," 44, mekaniko at residente ng naturang lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, pinuntahan ni Rick ang bahay ng nagngangalang alyas "Rose," noong Disyembre 30, na matatagpuan malapit sa ilog.
Nabatid na ang biktima ay nasa impluwensya raw ng alak at nagpumilit umanong maligo sa ilog kasama ang iba pang mga kaibigan.
Makalipas daw ng ilang oras, napansin ng mga kaibigan ng biktima na nawala na ito at hindi na matagpuan.
Makalipas ng dalawang araw ng paghahanap, natagpuan ang bangkay na lumulutang sa ilog.