January 05, 2025

Home BALITA National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon
FILE PHOTO (Phivolcs)

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 27 volcanic earthquakes, kabilang ang siyam na volcanic tremors, mula sa Bulkang Kanlaon.

Ayon sa datos na inilabas ng Phivolcs nitong Biyernes, Enero 3, nagkaroon ng limang pagbuga ng abo ang naturang bulkan na tumagal mula 5 hanggang 116 minuto. 

Naitala rin anila ang 27 volcanic earthquakes kabilang ang siyam na volcanic tremors na tumagal ng 14 hanggang 142 minuto.

Naglabas din ang bulkan ng 4861 toneladang sulfur dioxide flux ang bulkan mula noong Enero 2, at may 300 metrong taas at makapal na plume. 

National

Mga nasawi dulot ng paputok, umakyat na sa apat — DOH

Samantala, kasalukuyan pa ring nasa alert level 3 ang Kanlaon mula nang sumabog ito noong nakaraang taon, Disyembre 9, na tumagal halos apat na minuto.

BASAHIN: Pagsabog Bulkang Kanlaon, tumagal ng halos 4 na minuto