January 05, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya
Photo courtesy: Jak Roberto (IG)

Matapos ang anunsyo sa Instagram ni Kapuso star Barbie Forteza na nagtapos na ang kanilang pitong taong relasyon, agad na sinilip ng mga netizen ang latest Instagram post naman ng kaniyang ngayo'y ex-boyfriend na si Jak Roberto.

Trending sa X ang "Barbie Forteza, "Jak Roberto," ang tambalang "BarDa" matapos ang pagsisiwalat ni Barbie na hiwalay na nga sila ni Jak.

"'Don’t cry because it’s over. Smile because it happened' - Dr. Seuss," panimulang quote ni Barbie sa kaniyang Instagram post.

"Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love."

Relasyon at Hiwalayan

Jean Garcia kay Barbie Forteza: 'Andito lang ako'

"Your love was exceptional."

"But sometimes, good things fall apart so better things can come together."

"Beautiful goodbye, @jakroberto," anang Barbie.

"Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve."

"I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest," pagtatapos ni Barbie.

Hindi naman binanggit ng Kapuso star kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

KAUGNAY NA BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!

Dahil dito, trending ang "BarDa" o ang tambalang nabuo sa pagitan nila ng tinaguriang "Pambansang Ginoo" na si David Licauco, dahil sa pumatok na teleseryeng "Maria Clara at Ibarra."

Kung makikita naman ang huling social media posts ni Jak, ito ay ang pagdalo niya sa countdown concert para sa 2025, sa pangunguna ng mag-amang Gary at Gab Valenciano. Masaya pa siyang bumati ng "Welcome 2025! Happy New year!!!"

Napansin naman ng mga netizen na hindi niya kasama si Barbie sa nabanggit na countdown concert; sa halip, ang katabi niya ay si Gab. Dito ay nagkaroon na agad ng espekulasyon tungkol sa estado ng relasyon nila ni Barbie. Nasanay raw kasi ang fans na lagi silang magkasama tuwing Pasko at Bagong Taon.

Kaya naman sa comment section ay bumuhos ang mensahe ng netizens lalo na ang JakBie fans.

"Wla nba jackbie ngaun 2025 hndi n mgksma sa xmas at new year wla n dn bati bati sa isat isa anyari hiwalay nba nkakasad nman tuwang tuwa Mga barda fans niyan."

" same question walang posts pareho kaka sad."

"Kung ano man ang dahilan Lods sana maging masaya parn kayong dalawa..Hind man kayo ang tinadhana, maging mabuti parn kayo sa isa't-isa.God bless you both..Lam nmin na minamahal nyo prn ang isat isa."

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang kumpirmasyon mula sa panig naman ni Jak hinggil sa anunsyong break na sila ni Barbie.

KAUGNAY NA BALITA: BarDa, trending matapos anunsyo ng hiwalayang JakBie