January 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gabby Concepcion, may tila pasaring sa nagmamanipula ng anak para magalit sa tatay

Gabby Concepcion, may tila pasaring sa nagmamanipula ng anak para magalit sa tatay
Photo courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YouTube) via Balita

Palaisipan sa mga netizen kung anong isyu o sino ang pinatutungkulan ng aktor na si Gabby Concepcion sa quote na kaniyang ibinahagi sa kaniyang latest Instagram post.

Mababasa sa nabanggit na art card ang tungkol sa mga taong nagma-manipulate ng kanilang anak para magalit sa kanilang ama.

Agree si Gabby na ang ganitong akto ay "one of the most evil things" na puwedeng gawin ng isang tao sa buhay niya.

Mababasa, "Manipulating a kid to make them hate their Dad is one of the most evil things a human can do."

Tsika at Intriga

Igan sa mga kalat sa Bagong Taon: 'Totoo ba na ang mga Pilipino ay burara at baboy?'

Wala naman itong kahit na anong caption.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"So true. It takes a great mother, one who truly loves her child, to never bad-mouth her ex-husband so that the child’s love and respect for her father are not tarnished. Someday, Papi, in God’s perfect timing, she will come to love you as your dearest eldest daughter does. Have a blessed 2025! "

"That’s why I admire Mami Sha the most. She has become my inspiration when I too had a daughter with an absentee dad. It takes a strong woman to take all the hurts and responsibilities."

"Yan ang napakagandang ginawa ni Sharon s buhay mo ang mahalin ka ng anak mo ...."

"Papi new year na new year Yan ah,"

"What if kung ayaw talaga maging close ng dad sa anak?"

Si Gabby ay dating mister ni Megastar Sharon Cuneta at ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay ang dating aktres na si KC Concepcion.

Bukod kay KC, nagkaroon din ng anak si Gabby sa iba pa niyang mga naging karelasyon gaya nina Maria Grace Amagna Ibuna, Jenny Syquia, at misis na si Genevieve Yatco Gonzales.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Gabby tungkol sa kaniyang ibinahaging cryptic post.