April 28, 2025

Home BALITA National

4 sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala ilang oras bago ang Salubong 2025

4 sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala ilang oras bago ang Salubong 2025
Photo courtesy: Pexels

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na pumalo sa 18 insidente ng indiscriminate firing ang kanilang naitala ilang oras bago ang Salubong 2025.

Ayon sa datos na inilabas ng PNP nitong Martes, Disyembre 31, 2024, nasa apat na katao na ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala habang 13 na raw ang kanilang naaresto sa bisperas ng Bagong Taon. 

Inilabas din ng PNP ang kanilang datos hinggil sa indiscriminate firing kung saan lumalabas na Calabarzon region ang may pinakamaraming insidente ng ilegal na pagpapaputok ng baril na may pitong insidente. Nakapagtala naman ng dalawang kaso sa Northern Mindanao habang tig-iisang kaso naman sa Metro Manila, Western at Central Visayas at Zamboanga Peninsula.

Dalawang uniformed personnel din ang umano’y nagpaputok ng kanilang baril. Ayon sa PNP, isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) mula sa Zamboanga ang naaresto ng pulisya, habang arestado rin ang isa pang miyembro ng PNP sa Calabarzon na sangkot sa nasabing indiscriminate firing. 

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

Matatandaang nauna nang ihayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardona hindi na raw nila lalagyan ng tape ang mga baril ng PNP dahil naniniwala raw sila na disiplinado ang mga pulis.

KAUGNAY NA BALITA: Pagbabawal sa paggamit ng mga paputok sa residential areas, muling ipinaalala ng PNP