February 02, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Vet clinic, pumalag sa paratang na inabuso nila pusa ni Angel Dei

Vet clinic, pumalag sa paratang na inabuso nila pusa ni Angel Dei
Photo Courtesy: Freepik, Angel Dei (FB)

Naglabas ng pahayag ang isang veterinary clinic at pet grooming service kaugnay sa paratang na inabuso umano nila ang alagang pusa ng vlogger na si Angel Dei.

Sa latest Facebook post kamakailan ng Furrtastic Veterinary Clinic and Pet Grooming, itinanggi nilang hindi umano sinaktan ng groomers ang nasabing pusa.

“Based on our investigation and upon reviewing of the CCTV footages in our clinic, recollection of sequences of the events and accounts from our groomers, we have clearly established that the pets were not in anyway harmed before, during and after grooming in contrast to what the pet owners claimed and that the grooming session went thru without any stress both from/ to the groomer and the pets. Most notably, not a single wound was seen on the face of the cat after the grooming services,” saad ng Furrtastic sa kanilang pahayag.

Dagdag pa ng vet clinic, sinubukan umano nilang ayusin ang naturang problema sa mas demoktratikong paraan at masusing imbestigasyon ngunit patuloy daw iginiit ni Angel na minaltrato nila ang alaga nito.

Kahayupan (Pets)

Tao nakabuntis? Biik sa Negros Oriental, may mukhang parang sa tao

Dahil dito, napinsala umano ang kanilang negosyo, tauhan, at maging ang mga indibidwal—tulad ng mga mahal nila sa buhay—na hindi dapat madamay ay nasangkot.

Kaya naman, nagpasya na raw ang Furrtastic na idaan sa legal na proseso ang isyu laban kay Angel at sa partner nitong si Miguel Echano.

Sa kabila ng nangyari, patuloy pa rin daw magbibigay ang vet clinic ng de-kalidad na serbisyo. Kasunod nito ay nagpaabot sila ng pasasalamat sa kanilang mga tapat na kliyente na dekada nang sumusuporta at nagtitiwala.

Matatandaang nagsimula ang isyung ito matapos ibahagi ni Angel kaniyang Facebook account ang larawan at video ng pusa niya matapos ma-groom sa Furrtastic.