Inanunsyo ng aktres at vlogger na si Riva Quenery ang hiwalayan nila ng long-time boyfriend niyang si Vern Ong bago tuluyang magsara ang 2024.
Sa latest Instagram post ni Riva nitong Lunes, Disyembre 30, sinabi ni Riva na bagama’t tinuldukan na nila ni Vern ang kanilang relasyon, nananatili raw ang mabuting pakikitungo nila sa isa’t isa para na rin sa kanilang anak.
"We want to take a moment to address our relationship status. As many of you may have noticed, we are no longer together,” saad ni Riva.
Dagdag pa niya, “We broke up a few months ago. However, we remain on good terms and continue to co-parent Athena.”
Sa kabila nito, nilinaw ni Riva na wala raw sangkot na third party sa kanilang hiwalayan. Kaya naman, ma-appreciate umano nila kung magsisitigil ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.
“There are no goodbyes because at the end of the day, we will always be Athena’s parents and will continue to love and support her,” aniya.
Samantala, sa pamamagitan ng isang Instagram story, pinasalamatan naman ni Vern si Riva dahil binago at ginawa siya nitong “better person.”