January 03, 2025

Home SHOWBIZ

Enrique, bukas sa posibilidad na makatrabaho ulit si Kathryn

Enrique, bukas sa posibilidad na makatrabaho ulit si Kathryn
Photo Courtesy: Enrique Gil, Kathryn Bernardo (IG)

Naghayag ng interes ang “Strange Frequencies” star na si Enrique Gil na muling makasama sa isang proyekto si Kathryn Bernardo.

Sa ulat ng ABS-CBN News noong Lunes, Disyembre 30, inamin daw ni Enrique sa isang panayam na bukas daw siyang makatrabaho ulit si Kathryn.

“I’m not sure about that. I haven’t heard about that. But I’m always open to anything, of course,” saad ni Enrique.

Pero sa kasalukuyan, gusto raw munang ituon ng aktor ang sarili sa pagganap sa mga proyektong malayo sa kinasanayan niyang genre.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

“Para masasabi ko, when I get old, at least I was able to do everything. So for now, i’m just really enjoying and playing around with different concepts and characters. I’m just having fun,” aniya.

Matatandaang minsan nang nakasama ni Enrique si Kathryn noong 2012 sa patok na teleserye ng ABS-CBN na “Princess and I.”