Ibinahagi ng comedy queen na si Ai Ai Delas Alas ang natutuhan niyang leksyon ngayong taon bago tuluyang magsimula ang 2025.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Disyembre 30, sinabi ni Ai Ai na mas natutuhan daw niyang mahalin ang sarili.
“To love myself more,” saad ni Ai Ai. “At saka ‘yong kailangan sa isang babae kahit durog intact mo ‘yong dignity mo.”
Bukod dito, ibinahagi rin niya kung sino ang mga nilapitan niya noong mga panahong may pinagdadaanan siya.
“Siyempre parati si God. Parati everyday prayers, prayers, prayers maximum level. Tapos, mga kaibigan kong totoo. Anak ko, nandyan. Ikaw, nandyan. And ‘yong mga luma kong kaibigan, nandyan lahat,” aniya.
Matatandaang kinumpirma ni Ai Ai sa mismong kaarawan niya noong Nobyembre 11 ang hiwalayan nila ng non-showbiz husband niyang si Gerald Sibayan matapos ang mahigit isang dekada nilang pagsasama.
MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan