Matapos mag-number 1 sa "Top 100 Most Beautiful Faces" ng TC Candler, ibinida ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes ang ilang throwback photos noong siya ay siyam na taong gulang pa lamang.
Patunay raw ito ni Blythe na hindi siya sumailalim sa alinmang enhancements, ayon na rin sa bash ng isang netizen na baka "nagpagawa" siya kay Doc, o sa madaling sabi ay "Salamat Dok."
"Replying to @lucyyyyyy_05 Pretty since day one baby pretty with or without enchantments , mababasa sa caption ng kaniyang TikTok post.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"ganda ng eyes mo ate pati kilay, love that"
"Gandang ganda ako sau dati pa kya napapansin parang may nag bago tlga"
"Me na di naniniwala na may pinagawa si Blythe sa face nya. Sobrang ganda tlg nya ""
"Napaka gandaaa nya, Jusko sa annaliza palang bet na bet ko mukha nya."